Lubos akong nalulungkot at nababagabag...
Tatagalugin ko ito....
Nawalan ako ng tulog sa kakaisip. May ibinahagi ang isa kong kaibigang Amerikano sa akin. May nakilala daw syang babae sa kanyang pagbisita dito sa Pilipinas. Pasintabi na lamang po, pero ang babaeng ito ay nakilala nya sa isang jologs na pugad ng mga kalapating mababa ang lipad sa Malate. Ang pangalan nya ay Eunice, at pasalamat sya at hindi nagkaroon ng pagkakataon na magkakilala kami, kung hindi ay baka nasa impyerno na sya ngayon.
Ngayon, ang pinakamalaking pagkakamali ng kaibigan ko ay nag tiwala sya put@ng yun. Hindi nya ipinakilala sa akin bruhang yun sa pagaakalang magbabagong loob ito - ayaw nyang husgahan ko ang pagkatao ng babae dahil lamang sa trabahong ginagawa nya. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay ginamit lamang sya nung dimonyong yung upang pagkakwartahan. Ang tusong babae ay ginamit ang kanyang matatamis na salita upang mapaniwala ang aking kaibigan na nangangailangan sya ng tulong na pinansyal dahil sa pagkamatay ng kanyang lola. Nag padala ang kaibigan ko ng syam na libong piso sa pagaakalang makakatulong sya.
Hindi ako makapaniwala sa mga pangyayari hanggang ngayon. Alam kong may pagkakamali ang kaibigan ko sa pagtitiwala sa isang taong hindi naman nya lubos na kilala, ngunit ako bilang isang Pilipina ay sukdulang nasusuklam sa ugaling ipinakita ng isang nilalang na ayokong ituring na isang kababayan.
Ako ay kabilang sa isa sa ilang libong Pilipino na nagtataguyod na isulong ang ating bansa bilang isang destinasyong pang-turista. Sa makatuwid, andiyan ang dumugo ang ilong ko sa pakikipag ugnayan sa mga grupo ng Italyano, Czech Republicans at Amerikanong tour operators nito lamang nakaraang linggo. Ngayon, nagdadalawang isip ako kung ako ba ay nagsinungaling nang sinabi ko sa kanila na ang Pilipinas ay isang napagandang destinasyong hitik na hitik sa likas na yaman at sumisibol sa kultura at kristyanismo?!
Noon pa man ay nahihirapan na akong tanggapin na marami sa atin ang walang disiplina. Kaya naman nagkalat ang mga basura, may dura sa lansangan, at kinagisnan ko nang sadyang walang pila ang mga pampasaherong dyip.
Ngunit umaasa pa rin ako na magkakaroon tayo ng kaunlaran kahit paano. Naniniwala pa rin ako na may mga Pilipinong buo ang loob na pagsilbihan ang sambayanan. Kaya't sana, sa mga nakakabasa nito, maisip ninyong sa bawat isa sa atin nagsisimula ang pagbabago, sana maibahagi ninyo sa inyong mga kaibigan na panahon na upang bumangon tayo sa imaheng dugyot at walang disiplina. Ito ay hindi lamang para sa turismo, ngunit para na rin sa ikagaganda ng ating bayan.
At para kay Eunice, mabulok ka sana sa impyerno at kainin ng mga ipis ang kaluluwa mo.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home