ang disney, ang hyatt, ang unggoy
Mood: Recently very elated then frustrated
as if i'm not on vacation... i've been lagging with my blog updates.. wala lang.. nakakastress. akalain mo yun.. nakaka stress palang maging bum?
so ano na nga ba? ayun.. matapos ang aking desperate na pag uupload ng pics mula sa opis ni amang hari.. nakapag upload ako ng konting pictures. baket konti? wlang burner.. ayaw gumana ng disket.. so it's necessary that i upload those damn pics! but wait.. there's more... wala na yatang ibabagal ung dial up dun sa cubao.. samahan mo pa ng ubod na bagal na CPU and voila! bagal mode of a lifetime.
para sa mga hindi naniniwalang nag date kami ng brownman noong pebrero
ang poging basista
ang pinaka poging Dino ng Buhay ko
ganito ako kalapit sa kanya.. hehe
anyway, nung nakaraang lunes ay umuwi ako sa kabundukan ng Antipolo kung saan ako'y nagka malay (kung meron man). at doon.. ang tangi ko lang ginawa ay manood ng DVD.. at oo, disney po. akalain mong meron palang Peterpan 2 at Mulan 2? at naiiyak pa nga ko sa Peter Pan 2 e.. huhu.. anak ni Wendy ang bida. o di ba? san ka pa... at eto pa... sabi ni General Shang sa Mulan 2:
"In an ideal world, everyone will marry for love. But the world is not perfect. I'm just glad mine is"
Ang lakas di ba? Buti pa ang cartoons may lablayp.. di tulad kong hamak na mortal.. papatay na ko!!! Nag karon na naman ako ng self-declared war II.. sino na naman ang kaaway ko? well.. ung kaaway ko pa rin dun sa self-declared war I. o sasabihin na naman ni Jem LQ ito.. oo.. tatapusin ko na lintek na pag ibig toh! Pero babalikan ko na lang ito dahil magugulo ang chronology ng kwento ko.
Pag balik ko sa sibilisasyon ay dumalo kami sa isang pista upang parangalan ang pinsan kong pumasa sa bar.. naks.. ang galing ni Atty. Ida! one take! pero bago pa nun ay tinawagan akong muli ng Hyatt Hotel and Casino Manila... akalain mo un, hindi bola yung sinabi nilang "we'll call you"... at noong Huwebes ay kinilatis na naman ako ng tatlong direktor... Director of Sales, Chris Legaspi; Director of Marketing, Eugene Tamesis; at Human Resources Director, Emma Cruz... matapos akong manginig ng matagal ng panahon ay natapos nman. Sinabihan nila akong bumalik kinabukasan sa ganap na alas-9 ng umaga para sa aking... yikes... final interview... with.. ahem... a Panel interview of the executive committee.
Pag katapos ng aking pakikipag sapalaran ay nag kita kami ni Martin sa Rob Place upang mag hapunan at manood ng Ice Age 2. ok.. wala pang war na nagaganap dito kahit pinaghintay nya na naman ako ng matagal... ok.. just proves immature sya talaga. nakakainis. pero ayos lang.. masaya naman ako nun, wala namang problema.
In the evening pinuntahan ko si Gracielle sa ADB.. sa tapat ng podium. potek.. hindi pala dun ang building nya.. sa Emerald pala. Leche! alam ko kung san ang emerald ave, hello inikot ko kaya ang ortigas on foot when i was in search of a job dati. kaso i didn't know how to get there by car with all the one-way-streets in ortigas center.. lech.. hndi ako makaalis ng garnet.. when i know na ang emerald ay nandun lang sa susunod na street. at dalawang beses akong napahiya dahil akala ko si gracielle ung mga taong nakikita ko. waaaahhh... pero salamat ng marame gracee para sa coat.. ang ganda ko nun.
After dumugo ang ilong ko from my final interview yesterday, as was discussed the day prior to that, i went to his (martin) place para isoli ang DVD na sabi ko ay never ko nang isosoli for the rest of my life. tapos... guess what.. nag away kami. anong pinag awayan namin? yung immaturity nya na never na yatang magbabago. leche sya. malandi sya. kung ganyan ang gusto nya.. bahala sya sa buhay nya, wala na akong magagawa. humingi ako ng sign kay God.. simple lang pero may logic. sa kanya ko na ipauubaya ang lahat.
<< Home