the adventures of the adventurers
Mood: Giddy
Listening to: tic toc, tic toc
unfortunately our digicam installer still wont work... so kamusta nman ang ang singapore a week ago, ang group meets 2 weeks ago, ang wedding pics 3 weeks ago at ang gig ng brownman sa xaymaca over a month ago.. ayun.. nasa SD card pa rin at nangunguripot si amang hari.. ayaw bumili ng card reader, paganahin ko daw ang installer. magikera sana ako.
tinatamad akong magkwento about the great singapore adventure ng walang pictures.. so that will have to wait. ibang chika na lng... fire away...
nung isang araw (mar 29), kasama ko si Martin, at sinamahan nya ko sa UP upang kunin ang substitution form ko mula sa math building. tapos nag starbucks kme sa katipunan at nakita ko ang team mate ko sa soccer nung hs. dala ko ang kotseng BM ni amang hari.. astig sana.. kung hindi lang olats ang makina nito.. samakatuwid ay bawal patayin ang makina. therefore, nakatambay kami sa kahabaan ng katipunan habang nilalasap ang aming caramel frappe.
matapos nito ay pumunta kami sa bahay ni Leo Martinez. as in si Batanggenyong Don Robert. baket kamo? wala lang.. mag papa autograph.. ang kotseng dala namen ay dati nyang pag aari at kelangan ng autograph nya sa deed of sale eklavu. basta proper documentation stuff that needed to be filled out. inutos lang sakin ni amang hari.
pag katapos ng aming pag bisita sa tahanan ni Don Robert ay dumeretso na kame sa aming palasyo. lingid sa aming kaalaman, ay umuwi na pala si Amang Hari! habang pumaparada kami ay bigla na lamang sumulpot ang aking paternal figure sa aming tarangkahan at may kausap na kliyente. ito ay hindi sinasadyang pag uwi ng maaga dahil may kailangan pala syang asikasuhin. sa madaling salita ay kinailangan ko nang ipakilala ang ginoong kasama ko noong moment na iyon.
tumambay lang muna kami ng ilang minuto sa aming tahanan at umalis na si Martin dahil may pupuntahan pa siya sa kaharian ng Ortigas. buti na lamang at may kausap si Amang Hari at hindi niya kami masyadong pinansin. Nang umalis ang kausap ng aking ama ay ininterview nya ako....
Amang Hari: si Martin, sino sya?
Prinsesa Anastasia: ay yun, friend ko po.
AH: anong klaseng friend?
PA: ahm, friendly friend
AH: nanliligaw sayo?
PA: not exactly....
AH: baket, sinagot mo na?
AH: Bakit ang kabataan ngayon ang labo na sumagot. Dati ay 'oo' at 'hindi' lamang ang sagot! So parang MU ganon
Hehe... well, malamang ay nababaliw na si Amang Hari sa mga sinabi ko.. pero sadyang hindi nya talaga maiintindihan. Basta.. steady lang.
Maya maya pa ay tinawagan ako ng HR dept ng Hyatt Hotel and Casino Manila, may opening daw sa Marketing, Events Coordinator daw. job description: super nakakapagod at pressure, patayin ang social life kinda work. pero alam ko na isa ito sa mga bagay na kung saan ako ay magiging masaya + Hyatt pa. Ang lugar kung saan ako ay nag praktikum at natuto ng maraming bagay. Naging masaya ako sa organisasyong ito. Sana ay matanggap ako dito.
Ang aking interview ay naset para sa kinabukasan (which is, as i write, yesterday. Mar. 30) ng hapon. Ang nakaganda pa lalo ng araw ko ay pupunta ang mahal kong Brownman sa Robinsons Malate na tila ay apat na hakbang lamang ang layo mula sa Hyatt. Dito ay nakasama ko sina Jemma Emerald Zafra, Renato Ancajas at si Martin BaƱez. Tinitigan muna namin sandali ang mahal kong si Dino Concepcion at matapos ay kumain kami sa Karate Kid dahil hindi pa ako nanananghalian (at alas syete na ito ng gabi). Chika chika at konti pang tambay.
Nang magparamdam na ang aking amang hari sa aking telepono ay kinailangan ko nang mamaalam sa pangkat. Hinatid nila ako sa taft avenue kung saan ay makakasakay ako pauwi... at nang humirit si Ren ren ng "Quasirelationship..... ang pakikipagrelasyon kay Quasimodo" ay kamuntikan ko nang maiwan ang bituka ko sa katatawa...
mahal ko ang unggoy
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home