Mythology

the life and thoughts of the Sun Goddess

Sunday, April 23, 2006

Mabuhay Class of 2006

Mood: Proud
Listening to: Somewhere over the Rainbow - reggae mix


Para sa tatlong taon sa pre school, pitong taon sa elementarya (sori naman, assumptionista ko), apat na taon sa mataas na paaralan at limang taon sa kolehiyo.

Para sa lahat ng mga gabing inilagi ko sa harapan ng makinarya; mga oras na itinambay ko sa silid aralan', mga agahan, tanghalian at hapunang hindi ko nakain; mga kaklase, kabarkada, kaibigan, ka-ibigan, kagrupo, katambay, kakopyahan, kaaway, at para sa lahat ng nakasalamuha ko sa mga panahong nangangailangan ako ng kausap at karamay.

Para sa mga guro, propesor, student assistant, mga inspirasyon at lahat ng naglaan ng kanilang panahon upang mapagyaman ng mga estudyanteng tulad ko ang kanilang mga kaalaman.

Para na rin sa mga kontrabida sa buhay ko, ilang mga propesor na tila ang dahilan ng kanilang pagtuturo ay para makaganti sa ibang estudyante; sa ibang kamag-aral na may galit sa mga taong mayroong konsepto ng kaligayahan, mga taong sadyang insecure; para sa mga kalalakihang malilibog na parang hindi pa nakakakita ng babae sa buong buhay nila; mga government employees na ubod ng taray at maiksi ang pasensya... para sa inyo na masama ang pagkatao.

Para sa aking mga magulang, mga kapatid at kapamilya na nagbuwis ng maraming pag mamahal at pasensya para sa akin sa mga panahong inilagi ko sa kolehiyo. Para sa inyo na nagtiwala at patuloy na nagtitiwala at gumagabay sa akin.

Para sa lahat ng tao, bagay, panahon at pangyayari: utang ko sa inyo kung ano ang naging kinahinatnan ng buhay ko ngayon. Maraming salamat at naranasan ko ang inyong dalang pagmamahal o pag subok, dahil kung hindi dahil dito, maaaring wala ako ngayon sa aking kinatatayuan.

Para sa mga nag sipag tapos ngayong 2006: Mabuhay kayo! Dito pa lamang nagsisimula ang totoong pag subok sa atin ng tadhana... kung saan man kayo pupunta, nawa'y mapatunayan ninyong maipagmamalaki at pag asa kayo ng bayan!