Sa piling ng mga Banez
Mood: natutuwa
Listening to: Tower - Vienna Teng
Huwebes, 22 Junyo
Nagkaroon ng isang pagpupulong-pulong ng mga ilan sa mga piling kliyente sa hotel kung saan ako ay nagttrabaho. Bilang isang miyembro ng sales team ay kami ay dapat makipag sosyalan sa mga piling kliyenteng ito. Mabuti na lamang at masarap ang mga pag kain at inumin.
Nakakatuwa ang isa sa aming kliyenteng amerikano dahil mas matatas pa syang mag tagalog at ilokano sa ilan sa atin. At macho sya. Sabi pa nya na mukha daw unggoy ang sayaw na "maglalatik" at dahil mahilig ako sa unggoy ay natuwa pa nga ako.
Matapos ay lumabas pa kami papuntang Malate kasama ang 2 kong katrabaho upang ituloy ang aming pag iinumang naudlot. Matapos ay sinundo ako ni Martin dahil galing naman sya sa isang pagpupulong sa hotel na katapat ng hotel na pinagtatrabahuhan ko.
Biyernes, 23 Junyo
Pag katapos kong piliting matapos ng mabilis ang aking trabaho noong gabing may tatlong events na nagaganap sa hotel sa kanto ng Pedro Gil at ng MH del Pilar ay sinundo ako ng magkapatid na Banez na sina Ate Charisse at Martin babsy ko. At muli ay nanood nga kami ng isang Pilipinong adaptasyon ng Waiting for Godot, "Ang paghihintay kay Godot".
Ang mga sumusunod ay ang mga nakakatuwang pangyayaring naganap sa aming pag tatalastasan:
SCENE 1
tagpo: sa loob ng Ford na may plate # na XTT-696
mga tauhan:
MARTIN : ang babsy kong lab ko
CHARISSE: ang nakatatanda nyang kapatid na doktor
Ako (dyosa): kelangan pa bang imemorize to?
*nag simula ang tagpo, si Martin Banez ay nagmamaneho, si Charisse Banez ay nasa upuang pampasahero sa harap, ako ay nasa likod at nagtatali ng strap ng sandalyas kong bago na natatangal tuwing naglalakad ako.
CHARISSE: (habang hinihimas ang ulo at malambing na ginugulo ang buhok ng kanyang nakababatang kapatid) Tasha, wag mong lolokohin to ha, mabait to.
DYOSA: ay ganon po ba? (tawa) ako rin po mabait.
SCENE 2:
tagpo: sa loob muli ng kotse.
*pag kagaling ng mga tauhan sa burol sa may Manila Memoriarial sa may Paranaque. nagugutom na ang mga tauhan at naghahanap sila ng mapupuntahan sa ganap na alas-11 ng gabi upang makabili ng makakain. Si martin ang nagmamaneho, si Charisse ay nasa likod at ang Dyosa ang nasa pampasaherong upuan sa harap.
CHARISSE: mag drive-thru na lang tayo kung san man may madaanan...
[napadaan sa may Macario Maldonado (Mc Donalds)]
CHARISSE: ayan sa Mc Do...
(walang pag tigil na naganap mula sa nagmamaneho)
CHARISSE: okay, ayaw nya...
[napadaan sa Maligayang Bubuyog]
CHARISSE: jollibee?
(walang pag tigil...)
CHARISSE: Okay, ayaw pa rin...
[napadaan sa Tagapag-kalog]
CHARISSE: Shakey's?
(wala pa rin)
[napadaan kina Tita Glo]
CHARISSE: Gloria Maris?
MARTIN: Mahal dyan..
CHARISSE: Hap Chan?
MARTIN: Mahal din dyan..
CHARISSE: ano ka ba! pinapakita mo kay tasha na kuripot ka
MARTIN: sanay na siya.
CHARISSE: (sa akin) ano bang nagustuhan mo dito (kay Martin)?
SCENE 3
TAGPO: Dahil kanina pa naglilihi sa Burger King itong si Banez little, ay nauwi na nga lamang ang mga tauhan sa Burger King sa may Taft avenue na bukas 24-oras. Pag dating doon ay umorder ito ng King's Combo. Ang king's combo ay naglalaman ng pagkaing sapat para sa tatlong tao. Pagkatapos na ibaba ni Banez little ang tray ng pagkain sa mesa ay bumalik sya sa counter.
DYOSA: ok, ako na lang ang bibili ng dessert. :) May gusto ka pa bang iba?
MARTIN: sige pautang po nung Meal H
DYOSA: ok, sige ayos lang wag na utang. :)
(pag balik ng dalawa sa mesa kung saan nakaupo si ate charisse)
CHARISSE: sinong nagbayad nyan?
MARTIN: (turo sa akin) sya...
CHARISSE: ano ka ba naman. para san pang nilibre mo si Tasha kung nagpabili ka naman?
MARTIN: babayaran ko naman e
CHARISSE: siguraduhin mo lang ha (sabay tingin sa akin at iling)
LAHAT: tawa.. haha
napakasaya nga namang kasama ang magkapatid na Banez noh? naging masaya ang mga oras na nakasama ko sila. at lab ko talaga si Banez little. :)
kahapon naman ay tumambay kami ni Sarah, Munting Prinsesa sa may katipunan. Wala lang, girl-talk. Tsismisan naming dalawa tungkol sa mga buhay buhay ng mga tao.
Masayang kausap si sarah. kelan ba hindi? masaya kasing pagkwentuhan yung mga taong madalas mong kasama.. tulad na lamang ng mga pakikipagsapalaran ko kasama si Martin. :)